Hanging kaylamig, ako ay hinahagkan
Habang ang karagatan ay pinagmamasdan
Kawangis ng dagat, lumalim ang isipan
At sa kanya'y ipinahiwatig ang nararamdaman
"O mala-langit na karagatan,
Nais kong makita aking kagandahan..."
Nagtungo ako't lumusong nang dahan-dahan
Nag-apoy ang puso nang matunghayan
Repleksyon ko sa dagat ay mukhang basahan...
*Ipagpaumanhin po ang aking kalokohan.