Friday, 8 March 2013

First Love


Kaylinis. Payapa.
Langit ay damang-dama.
Pag-ibig. Pag-ibig.
Pag-ibig na nga kaya?

Trese anyos ang edad
nang makilala siya.
Puso'y kaybilis.
Kaybilis napasakanya.
Magmula noon,
araw-araw magkasama.
At hanggang ngayon
'di pa rin nagsasawa.

Mga taon ay nagdaan,
lumalim ang pag-unawa.
Malungkot o masaya,
nais ay mayakap siya.
At sa bawat haplos at yakap,
tugmang-tugma ang tugon niya.
Musika
ang namamagitan sa'ming dalawa.

Lungkot, kagalakan,
pananabik at pagkabalisa.
Sari-saring emosyon,
nadama sa piling niya.
Lubos-lubos, aking
pasasalamat sa kanya.
Salamat sa unang pag-ibig,
aking gitara!

Photo credit: https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjQTJFnyU6UNFTL5i9od6nwSzb9J10gZSgJTnrl83e6zoOF485ki820DRFf8omnk-GYf8XjjbQfESgu_A-wDQ__HdDerHKDZ_xlMT3SAOhtUUY-JPSL13jhVLTM-z3LOtTUVHzt4aVYVB3r/s1600/first+love+ATGirly+bw.png